Pages

Saturday, November 2, 2013

Istranghero sa BGC


Alas dose ng gabi.

Naalimpungatan ako sa katahimikan. Biglang nabuhay ang aking diwa. Ilang minuto 'ding patuloy kong nilalaro ang aking paningin sa madilim na kisame hanggang na isipan kong bumangon at sumilip sa bintana. Tahinik. May mga iilang residenteng naglalakad gabay ang mga naglalakihang poste sa gilid ng daan hanggang 'di nag tagal ay bigla akong nakadama ng kalungkutan. Bumalik ako sa aking higaan para di ako tuluyang lamunin ng aking panglaw pero sawi akong makuha ang aking pagtulog kaya muli akong bumangon at lumabas.

Maglakad ako kahit 'di sigurado sa aking paroroon. Sa aking paglayo mula sa aking tinitirhan ay nakita ko kung gaano kayapa sa labas na kahit ang mahiwagang buwan ay tila nakasilip lamang sa akin. 

BGC isang karatula ang tumambad sa akin. Hindi ako naliligaw ngunit 'di ko alam kung sakop parin ako ng lugar ng Makati o ako'y nasa dako na ng Taguig dahil sa patuloy itong pinag aagawan ng dalawang lunsod. Madilim ang lugar, payapa. Tanging ang mga barikada lamang sa bakanteng lote ang naka hanay para sa mga bagong Condo na ipapatayo doon. 

Umupo ako. Nag muni-muni hangang may biglang humawak sa aking kaliwang binti. Napa tingin ako, isang lalaking nasa kwarenta na ang edad ang biglang nag kisap mata sa akin sabay ngiti nito. Nagulat ako sa inasta ng matanda kaya bigla akong tumayo at lumayo.

"kanina pa yan" isang tinig ang aking narinig habang ako'y naglalakad

Isang lalaki ang nag salita mula sa kanyang kina uupuan.

Nakatingin siya sa akin. Kahit madilim ang lugar ay na aalinag ko ang kanyang mukha. Bata pa siya. ka edaran ko siguro. Umupo ako sa kabilang dulo ng kayang bench na kinalalagyan at  mula doon ay mas nakita ko ang kanyang imahe. Isang lalaking matangos ang ilong, singkit ang mata at may berdeng brace sa ngipin nito. Madali ko siyang napalagayan ng loob. Hindi ko alam kung paano kami nag umpisang nag usap ngunit ang pag kakatanda ko lang ay sabay naming tinatawanan at pinag uusapan ang mga tao sa paligid na pabalik balik sa lugar habang saklob sila ng dilim. Mga Adan na animoy mga langgam na pag katapos kausapin saglit ang isa ay aalis ito at pupupuntahan naman ang nakatayong mama sa kabila. sa patuloy naming pag uusap ay biglang nag bago ang timpla ng boses ng aking katabi.

"Katulad ko sila" malamig na sambit nito.

Napatingin ako sa kanya. nakayuko at patuloy na nag salita.

"ngunit di ako nag hahanap ng katulad ng gusto nila. Andito ako dahil gusto kong maging totoo kahit saglit lang bago ako umuwi sa bahay. Gusto ko ng taong may makikinig sakin ."

"high school ako nung nalaman kong iba ako. Tulad nila di ko alam kung paano ako ma o-out. Unfortunately, retired soldier ang dad ko and no one in our house would actually guess that I'm queer except my mom. Alam kong alam niya peo indenial parin. She heard me before talking with my mate. You know what, Di naman mahirap being me kasi wala talaga akong balak mag out at I love the way people see me as straight guy and one thing more, I am not also fooling people around me na  nag poporma pormahan ako like a real man kasi this is the way I express myself. Everything is okay pero bigla akong pinag sakloban ng langit when I realized that I want to be a pastor. I want to preach the words of God pero paano? at sino ang maniniwala sa akin sa church if I already embraced who I am? ang hirap."


Natahimik ako sa mga sinabi niya. I really didn't know how to react that time peo I realized na he's not actually soliciting any advice from me. Gusto niya lang mag labas ng kanyang saloobin. Ngunit dahil pabida ako ay nag bigay parin ako ng short but sweet piece mula sa kaibuturan ng aking puso.

Mag aalasdose na noon. Sabay kaming tumayo at parehas na naglabas ng cell phone. Gusto ko sanang kunin ang kanyang numero at pangalan pero tila naging sapat na sa amin na kami ay naging istranghero lang isang madilim na gabi.

Umalis ako sa lugar, naglakad pabalik sa aking tinitirhan ngunit tila may naiwang tanong sa aking isipan.


"Will you lose your identity and pursue you heart's vision or 
better stick with your identity and shape-out a new goal?"

                                                                                                                -Jei Son




4 comments:

  1. i remember someone from this ;-)

    I can only imagine how hard it is for people like them.

    ReplyDelete
  2. Hope I can talked with him... he is me....

    ReplyDelete
  3. ok I read ur comment in my FB? hehehe. told yah

    ReplyDelete

Comment lang