Pages

Monday, January 20, 2014

Isang Basong KAPE

Bumaba si Victor sa kanyang sasakyan.

Tahimik. Tila hindi ito nasa Cubao. Tumingin siya sa kanyang relo, 2:53am.

Ano nga ba ang ginagawa niya sa lugar na ito? Kilala ko si Victor at ni minsan di siya na padpad sa lugar ng Cubao sa dis oras ng gabi. Ah! Alam ko na. Gusto niyang takasaan ang kanyang problem. Pagod na ito sa paulit-ulit na pag iisip sa mga taong nag pa-asa lang sa kanya. Para siyang ginamit at higit sa lahat nawalan pa ito ng trabaho. Gusto niyang makalimot kahit sandali lang.

Pinadpad ng aking kaibigan ang lugar. Maya-maya'y unti-unti na niyang naririnig ang mga tugtugan sa mga bar. Hindi ito huminto. Alam niya kung saan siya pupunta. Nagpatuloy siyang naglakad at wala itong paki alam kung masikip, madumi at madilim ang kanyang dinaraanan hanggang may humarang sa kayang harapan.

“Kuya tara na. Kahit pang kape lang. Makaraos lang” isang malambing na sambit ng babae

Napatingin si Victor sa kanya. Maganda. Bata. At kung tutuusin ay hindi lang kape ang katumbas nang mapupula nitong labi.

Dahan-dahang tinangal ni Victor ang kamay ng babae sa kanyang braso. Gumiti. Patuloy siyang naglakad at ‘di na muli lumingon.

Kina umagahan,
Gumising si Victor sa mali na namang kwarto. Sinulyapan siya ang kanyang katabi. Tulog.

Bigla nitong naisip ang babae kagabi.
Walang panghuhusga ngunit nag iwan ito ng malaking tanong.

Magkano ba ang halaga para makalimot, makatakas at makaraos?

Isang Basong Kape?